.....

nufnang

nuffnang

Wednesday, July 13, 2011

VICE GANDA NAGPATAAS NG TALENT FEE!

Inamin naman ni katotong Ogie Diaz na manager ni Vice Ganda na talagang dinagdagan ng Viva Entertainment ng P1M ang talent fee ng kanyang alaga para sa katatapos lang na concert nito sa Araneta Coliseum titled Vice Ganda: Todo Sampol sa Araneta.

Ayon kay Ogie, deserving naman daw dagdagan si Vice dahil kumita ang concert. In fairness, balitang-balita naman talaga ang malaking tagumpay ng show dahil punumpuno ang Araneta Coliseum.

Ang masaklap daw, kung hindi kumita at nagpadag-dag sila. Pero kumita naman daw at fair lang naman daw ang P1M additional TF.


Hindi rin daw totoong masamang-masama ang loob sa kanila ni Boss Vic del Rosario (Viva big boss) dahil sa hiningi umano nilang additional P1M.

“Diyos ko, si Boss Vic pa nga ang nagsabi sa akin na mag-repeat daw kami ng concert ni Vice,” sey ni Ogie nang makausap namin sa telepono last Monday night.

“Kung masama ang loob niya, bakit tuwang-tuwa siya at inalok pa kami ng repeat?” dagdag pa ng columnist-cum-TV host-cum-manager.

Sa Aug. 26 nga raw iniiskedyul ni Boss Vic ang repeat pero tumanggi na raw si Vice dahil nga may movie pa siyang kailangang pagtuunan ng pansin, ang Private Benjamin.

Bukod dito, isang buwan na lang at Agosto na at ayaw naman ni Vice na mangarag at madalian ang preparasyon.

“Perfectionist ’yang si Vice, gusto niya kapag may isa siyang ginagawa, focused talaga. Kung pelikula, pelikula. Kung concert, concert. Kaya nga na-delay ang shooting ng Private Benjamin dahil sa preparasyon sa Todo Sampol sa Araneta concert,” sey pa ni Ogie.

Puwede naman daw next year na lang dahil hindi naman kailangang magmadali.

“Kung mamamatay na si Vice ng Aug. 27, ayan, papayag akong mag-repeat concert siya ng Aug. 26,” pagbibiro pa ni Ogie.

Source: Journal Online

4 comments:

Anonymous said...

tama lang un....

Anonymous said...

ito ang ibidinsya na tinatangkilik ka talaga ng tao mapa-tv-o concert meaning may bayad man o wala unlike ng iba na sa libreng paraan na lang tatangkilikin gaya ng free TV PAK NA PAK

Anonymous said...

^
^
^
KOREK NA KOREK KA DYAN!

barat kasi ang viva sa pamumuno ni vic del rosario hindi tulad dati na galante sila during sharon cuneta days pero ngayon super barat! kaya tama lang yan vice!

Anonymous said...

aja! tamang tma kau dyan! deserving nman tlaga mag pataas c vice ehh di katulad ng iba dyan nag papataas kahit bagsak nman ang show!~

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails